Abawt di Otor
September 2nd, 2008 by janmihaelvaldez
Tantalizing….
Anak ako ni rocky at ni sally, malamang sila ang mga
magulang ko, kapatid ko sina Kathleen at Katrina, at kahit sabihan mo kami na
mga anak ni sally at rocky na ampon lamang ay hinding hindi kami maniniwala
sayo kase pare parehas kami ng itsura na nagkatalo talo lamang sa kaunting
pagkakaiba sa hugis at laki ng ilong. Nyahahaha.
Yan ang tatak ko, yan ang tatak ng mga nagdaang
henerasyon ng mga valdez, yan yung parte ng katawan na kapag nawala eh sa
bunganga ka lang hihinga, na kapag nawala, wala ka nang kakalikutin para
magtanggal ng kulangot, na pag nawala, wala ka ng aatupagin na pag gugupit sa
mga maliliit na buhok na nakausli, na kapag nawala, eh para mo na ding sinabi
na hindi nag exist ang lahi ko.
Nakakasama man sa loob, minsan kung iniisip ko, na
kung bakit noong nagsabog ang Diyos ng matatangos at magagandang hugis na ilong
sa mundo ay nasa likuran ako, mahimbing na mahimbing na natutulog, at ng
magising eh biniyayaan nalang ako ng Diyos ng kung ano man yung mga hindi
pinili ng sanlibutan – rejects kumbaga. Lolz.
May ilang taon ko na ding pinaglalaban tong ilong ko
na ito mula nung magkamalay ako na pango ako mula sa mga mata ng mga taong
mapanghusga at mapangkilatis sa itsura ng ibang tao. Hindi ba nila alam na
nakakasakit sila ng damdamin? (pero hindi talaga ako affected. lolz) Hindi ba
nila alam na itong ilong na pinagtatawanan nila ay kahit papano bigay parin ng
Diyos?
Pero kailan lang, nang may isang taong kumilatis at
nilait ang ilong ko dahil sa pigiging malaki nito, hindi ko napigilan sumagot
sakanya, eto yung pangyayari”
Mapanlait na nilalang: “ang laki ng ilong mo. Ha ha
ha.”
Mike: “to hell with you bitch! May lamang utak ang
ilong ko kaya ganyan kalaki.”
Mapanlait na nilalang: “ows??…”
Mike: “hetong sayo bitch!”
At i-binitch slap ko sa kanya ang mga grades ko nung
college at ang meritorious citation ko na nagpadugo ng ilong nya kase wala
siyang ganon! Hahaha. lolz
Mula pa non, alam ko ng may kakaiba na talaga sa
ilong ko. Yung mga times na ipinagtataka ko kung bakit napakalaki neto eh nasagot
ko na din, may lamang utak ang ilong ko, kaya pala, kaya pala……
Sa ilong ko nanggagaling ang powers at katalinuhan
ko, kaya the moment na I start thinking about plastic surgery to enhance my
nose’s bridge, mabobobo siguro ako. Iyo na yang kagandahan ng ilong if that’s
the case. And besides, malaki man tong ilong ko, pango man ako, tantalizing
parin ito sa mata ng ibang tao, kabilang na ang mga magulang ko at mga nabibilang lamang na tao.
Posted in Rants | | |
Leave a reply
Pages
Archives
Categories
Recent Posts
Recent Comments
- princetongurl on conyo explaining the details of twilight
- janmihaelvaldez on revived…
- tita malou on crazy
- iya on pizza part II
- cncggtqjoyd on About